Annabel Rama, hanggang kailan ipaglalaban ang mga anak?
March 10, 2010 | Wednesday | 11:25 am

By Glenn Garci (Tsismaxx)
Marami ang nagsasabi na hindi raw nalalayo si Annabel Rama kay Marlene Aguilar kung pagmamahal lang din sa anak ang pag-babasehan. Dahil tulad ni Marlene, si Annabel ang tipo ng ina na gagawin ang lahat, maipagtanggol at ma-protektahan lang ang kanyang mga anak, kahit pa, ito’y sa mali nang pamamaraan.
Ayon sa ating tsismosang kapit-bahay, hanggang saan at kailan kaya magagawang mang-away ni Annabel, sa mga taong nang-aapi “KUNO” sa kanyang mga anak? Paano kung bigla siyang makahanap ng taong makakatapat niya, at ipamukha sa kanya na siya nga itong nag-aastang may-ari ng mga istasyon, kung makapg-demand siya sa bawat exposure at proyekto na dapat mukha ng kanyang mga alaga? Kayanin kaya niya?
Hindi kasi naniniwala ang ating mga tsismosang kapit-bahay na sa lahat ng oras ay may taong kayang umintindi sa pag-uugali at ikinikilos ni bisaya, sa tuwing naaagrabyado ang kanyang mga supling.
Huwag naman daw sana dumating yung panahon na mapuno ang lahat ng mga taong inaway niya na pagkaisahan siya para ipa-ban sa mundo ng showbiz.







