Apl.de.ap binigyan ng Tiffany bracelet si KC
January 11, 2011 | Tuesday | 11:13 am
Isang Tiffany bracelet ang natanggap ni KC Concepcion mula sa Filipino international artist na si apl.de.ap ng Black Eyed Peas.
Ayon kay KC, Christmas gift ni apl.de.ap ang natanggap nitong Tiffany bracelet.
Sa The Buzz noong Linggo, January 9, sinabi ni KC na pasko naman kaya nagbigay ng regalo ang Pinoy international artist.
Nilinaw din ni KC na magkaibigan lang sila ni apl.de.ap at itinanggi ang anumang isyu na may namumuong ‘romance’ sa pagitan nila ng Black Eyed Peas member.
Samantala, aminado naman si apl.de.ap na “crush” nga nito ang anak ng Megastar.





