Bianca Manalo itinangging walang karelasyong TV executive
February 14, 2011 | Monday | 12:24 pm
Itinanggi ni 2009 Binibining Pilipinas-Universe at “Juanita Banana” star Bianca Manalo ang isyung nakakakuha siya ng mga projects sa ABS-CBN dahil sa umano’y relasyon nito sa isang TV executive.
Sa interview ng “The Buzz”, sinabi ni Manalo na ginagawa lamang niya ang kanyang trabaho.
“Nagagawa ko ng maayos ang trabaho ko, nakapagpapasaya ako ng manonood. ‘Yon po ang mahalaga sa akin,” pahayag ni Manalo.
Maliban sa “Juanita Banana”, nakasama rin ang beauty queen-turned-actress sa teleseryeng “Magkaribal”.
Isa rin sa mga hosts ng noontime show na “Happy Yipee Yehey” si Manalo na nagkaroon ng pilot episode noong Sabado, February 12.





