Binibining Pilipinas contender ligwak sa pageant dahil sa sexy photos
March 19, 2011 | Saturday | 1:14 pm
Dahil sa umano’y pagpo-pose sa isang sexy calendar, tinanggal ng Binibining Pilipinas Charities Inc. (BPCI) ang isa sa 40 official candidates ng pinaka-prestihiyosong beauty pageant sa bansa.
Disqualified na sa kompetisyon si Bianca Paz na dalawang beses nang sumasali sa Binibining Pilipinas.
Mariin namang itinanggi ni Paz na may nude photo siyang lumabas.
Sa opisyal na pahayag ng BPCI, nakiusap ang organisasyon na “we urge everyone to cease further speculation regarding the matter as respect to the privacy and integrity of all those concerned.”
Samantala, una nang na-diskwalipika ang isa pang kandidata na si Roxanne Cabaneron dahil sa isang nude photo scandal.
Itinanggi naman ni Cabanero na siya ang nasa nude photo na kumalat.



