Elizabeth Taylor pumanaw sa edad na 78
March 24, 2011 | Thursday | 1:32 pm
Pumanaw na ang Hollywood movie queen na si Elizabeth Taylor sa edad na 78.
Dinala sa hospital si Taylor nitong February 2011 dahil sa “symptoms caused by congestive heart failure” ayon sa publicist nitong si Sally Morrison.
Bago pumanaw si Taylor, dumaan na rin ito sa iba’t-ibang operasyon para labanan ang nararamdamang sakit sa katawan.
Noong 1997, sumailalim sa isang operasyon si Taylor para alisin ang kanyang brain tumor.
Isang heart surgery naman ang pinagdaanan ng award winning- actress noong 2009 para operahan
Sa limang dekada nito sa industriya ng showbiz, nanalo na ng dalawang Academy Awards si Taylor.
Ilan sa mga nagawang pelikula ng violet-eyed actress ay ang “Who’s Afraid of Virginia Woolf”, “Suddenly Last Summer”, at “Butterfield 8”.



