John Estrada at Priscilla Meirelles ikinasal na
February 28, 2011 | Monday | 12:14 pm
Punong-puno ng pag-ibig ang pag-iisang dibdib nina John Estrada at ni 2004 Miss Earth Priscilla Meirelles sa Thunderbird Poro Point Resorts sa La Union.
Mahigit 200 bisita ang naka-saksi ng kasal nina Estrada at ng Brazilian beauty queen.
Naging parte ng entourage sina Ogie Alcasid, Randy Santiago, Ai-Ai Delas Alas, at ang mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez.
Kasama rin sa mga sponsors sina Vic del Rosario ng Viva, showbiz talk show host Cristy Fermin, Gabby Concepcion, at Vina Morales.
Maluha-luhang nagpalitan ng “I do’s” sina Estrada at Meirelles sa kanilang kasal na dinaluhan ng kanilang mga kamag-anak at malalapit na kaibigan.
May mga bisita ring nanggaling pa sa United States at Brazil, kabilang na dito ang ilang kaibigan ni Priscilla.
Samantala kinumpirma ni Meirelles na balak muna nilang i-enjoy ang pagiging mag-asawa bago magkaroon ng mga anak.





