• home
  • FriendsTayo
  • Photos
  • Automatic DJs
  • Programs
  • Music
  • Events
  • News
  • Contact Us
  • Info

Mark Bautista at Sarah Geronimo “first time” ulit magkita?

July 19, 2010 | Monday | 1:31 pm

Dinumog ang mall show ng Hating Kapatid, ang first-ever movie na pagsasamahan ni Judy Ann Santos-Agoncillo at Sarah Geronimo.

Mamayang gabi na ang premiere night ng pinaka-aabangang movie nina Judy Ann Santos at Pop Princess Sarah Geronimo na “Hating Kapatid”, mula sa one of the most sought-after director for dramedy movies na si Wenn Deramas under Viva Films.

For sure dadagsa ang stars and cast ng pelikula mamaya sa SM Megamall Cinema 10, 7:30 p.m., para sa premiere night ng sure-to-hit movie ni Juday at Sarah kasama sina Atak, DJ Durano, Al Tantay, JC De Vera, Luis Manzano, Vice Ganda, Cherry Pie Picache at si Ms. Gina Pareño.

Bago pa man ang premiere night mamaya, naging hectic muna ang schedule ng mga “Hating Kapatid” stars para sa pagpo-promote ng kanilang movie kasama na dito ang series of mall shows.

Punong-puno ang The Block last July 17 sa may SM City North EDSA para sa mall show ng Viva-produced movie na “Hating Kapatid”.

Kasama ni Sarah sa The Block para mag-promote ng movie ang comedian na si Atak, one of the cast ng pelikula.

“Ako yung gaganap na boss ni Sarah sa movie”, paliwanag ng comedian sa 101.1 Yes FM during the mall show.

Kasama naman ni Sarah Geronimo sa SM Fairview mall show kahapon ang Pop Girls, si Atak, at si Mark Bautista.

Bukod kay Sarah, isa sa mga tinilian ang singer/actor na si Mark Bautista na ayon sa binatang singer “first time” nila ulit magkita ng Pop Princess since their concert tour mula sa ibang bansa.

“Ang ganda-ganda ni Sarah sa backstage. Ngayon na lang ulit kami nagkita,” comment ni Mark before his performance kahapon SM Fairview.

Sa July 21 naman ang regular screening ng movie nationwide.

May international screening din ang “Hating Kapatid” sa Austria, Switzerland, Spain, New York, San Francisco, San Diego, Hawaii, Ontario, Guam, at Dubai.

You might like:

  • Starry, starry night sa red carpet premiere ng “Hating Kapatid”
  • Ang Notable at Ang Quotable sa “Hating Kapatid”
  • Sarah Geronimo at Gerald Anderson nag-shoot na ng kanilang pelikula
  • “Catch Me…I’m In Love”, first big screen tandem ni Sarah Geronimo at Gerald Anderson
  • Sarah Geronimo, super starstruck pa rin kay Judy Ann Santos
  • Mark Bautista has grown tired of waiting for Sarah Geronimo: “Natanggap ko na, matagal na.”
  • Sarah Geronimo gagawa ng isang mala-Glee na teleserye?

FAN OF THE MONTH

read more

WHAT'S NEW

Ms. Philippines – Earth 2012 beauties, rumampa sa YES! FM

Aliwan Fiesta 2012 List of Winners

“PAPA”-kape at pa-”CHICO”-late, mabenta sa drivers

Bevy of beauties for Aliwan Fiesta 2012

The Hunger Games pinalakpakan sa advance screening

Seasports Festival aarangkada na sa Manila Ocean Park

Chico Loco niregaluhan ng doodle shirt, cherry balls at bagulbam

Apl De Ap ng Black Eyed Peas, time-out muna sa pag-kanta

EXCLUSIVE PHOTOS: Mr. & Mrs. A Valentine Concert

Maria Maldita at Chico Loco “kasalo” sa Weddings and Debuts 2012 Bridal Fair

Unang birada ng “Radyo? Dalawa Lang Yan! The Concert Series” dinagsa

PHOTOS: Radio MYX guesting ni Missy Hista at Rico Pañero

Kabisaduhin at sabayan na ang jingle ng 101.1 YES FM

101.1 YES! FM nilibot ang Maynila para mamahagi ng tulong ngayong Pasko

PHOTOS: YES! FM’s 13th anniversary; STL grand draw wtih Bamboo

CURRENT HITS

  Isa Pa Nga
  Mocha Girls
  

  Paano Na Ang Puso Ko
  Bugoy Drilon
  

  Bukas Na Lang Kita Mamahalin
  Faith Cuneta