Pilar Pilapil stable na; pulisya wala pang solid lead
April 16, 2011 | Saturday | 12:00 pm
DZRH NEWS
Stable na ang kondisyon ng aktres at beauty queen na si Pilar Pilapil makaraang pagsasaksakin ito ng dalawang hinihinalang carjackers bago itinapon sa isang madilim na lugar sa Antipolo City.
Nagtamo ng pitong saksak sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan ang 60-anyos na aktres na ngayon ay nagpapagaling sa Medical City Hospital sa Pasig City.
Inamin ni Chief Supt. Francisco Manalo, director ng Eastern Police District, na wala pa silang solid leads sa kaso ngunit carjacking ang pinaniniwalaang motibo sa krimen.
Sa salaysay ng live-in partner ni Pilapil na si Bernie Penas sa pulisya, sinabi nitong naghiwalay sila ng aktres sa Robinsons Galleria sa Quezon City 7:00 p.m. noong Huwebes dahil makikipagkita ito kay Rossel Rosalem.
Samantala, blanko pa rin ang mga awtoridad kung ano na ang nangyari sa kaibigan nitong si Rossel na tinanggay ng mga carjackers sa kanilang pagtakas dala ang gold Kia car ni Ms. Pilapil.



