Sandara Park kasali sa Rambo?
July 15, 2010 | Thursday | 8:49 am

Photo from POPSEOUL
Bukod sa pagiging isang Korean pop singer, sasabak na rin ba ang Star Circle Quest finalist at ngayon ay 2NE1 member na si Sandara Park sa action scenes?
Inilabas ng isang Korean newsletter na “POPSEOUL” ang larawan ni Sandara Park kasama si Rambo.
Ayon sa Korean newsletter, inilabas ni Sandara ang larawan niyang “warrior transformation” katabi ang wax figure ni Rambo noong July 13. Suot ni Sandara sa larawan ang isang red headband at may hawak na baril.
Bagay kay Sandara at mukha talagang isang tunay na warrior ang isa sa komento mula sa mga nakakita ng larawan ni Sandara kasama si Rambo.
Ayon pa sa Popseoul, hindi naman siguro iyon ang bagong concept ng grupong 2NE1 para sa kanilang comeback kaya inilabas ang larawan.
Nakilala si Sandara dito sa Pilipinas dahil sa talent search ng ABS-CBN na Star Circle Quest na ipinantapat sa Starstruck ng GMA-7.
Naging ka-loveteam ni Sandara sina Hero Angeles at Joseph Bitangcol. Nakasama ni Sandara ang huli sa isang Star Cinema movie na “D’Lucky Ones”.







