Web developer inireklamo ng estafa ni Christine Bersola-Babao
March 22, 2011 | Tuesday | 1:02 pm
Nagsampa ng estafa complaint ang TV at radio host na si Christine Bersola-Babao laban sa isang website development company at sa may-ari nito.
Iniharap ng TV at radio host ang reklamong estafa sa National Bureau of Investigation (NBI) nitong Lunes.
Ayon sa complaint ni Bersola-Babao, inakusahan nitong niloloko siya ni Michael Lu at ng pagmamay-ari nitong web development company na Kai-Zen Solutiuons Co.
Natuklasan umano ni Bersola-Babao na niloloko siya ni Lu at ng kumpanya nito dahil ibinibenta umano ng huli ang dedicated server na dapat ay nakalaan lang sa website na www.parentin.tv.
Ang dedicated server na binayaran ng TV/radio host para sa kanyang website ay ibinibenta umano ni Lu at ng kumpanya nito para i-host ang website ng 7 iba pang kumpanya.
Ang Kai-Zen Solutiuons Co. ang gumawa ng website ng TV host.



