“Radyo? Dalawa Lang Yan! The Concert Series” dinagsa sa Pasay
June 18, 2011 | Saturday | 1:55 pm
Updated as of June 21, 2011 | 10:31 am

Si Totoy Bato habang kinikilala ang mga kalahok sa palaro ng Yes FM.
Naging mainit ang pagtanggap ng mga taga Malibay, Pasay City sa unang bugso ng “Radyo? Dalawa Lang Yan! The Concert Series” kagabi, June 17 sa Malibay Covered Court.
Dinagsa ang libreng concert na hatid ng dalawa sa nangungunang radio station sa Metro and Mega Manila – ang 90.7 Love Radio at 101.1 Yes FM.
Sinimulan ng bandang Frio ang kasiyahan kagabi. Mula sa kanilang album na “Overboard”, tinugtog ng banda ang mga kantang “Nag-Iisa”, “Amen”, at “Hanggang Dito Na Lang.”
Humakot naman ng malakas ang tilian at pinagkaguluhan din ang bokalista ng banda na si Christopher habang nasa kainitan ng performance ng banda.
Hindi naman nagpatalo pagdating sa performance ang Love Radio at Yes FM DJs.
Napaindak sa sayaw ang lahat nang mag-duet si Kristine Dera at Totoy Bato ng Yes FM sa kantang “Can’t Take My Eyes Off You”.
Nagpakitang-gilas naman sina Missy Hista at Rico Pañero ng Love Radio sa pagkanta ng “Porque”. Tila nag-enjoy naman ang mga manonood sa mala-Taiwanese version ni Rico Pañero ng kantang pinasikat ng bandang Maldita.
Tinilian naman ang rocker-looking balladeer na si Mark Alain na nang-harana sa mga kababaihan. Kabilang sa inawit ng dating bokalista ng Frio ang kantang “Ako’y Maghihintay Sa ‘Yo” na kasama sa kaniyang self-titled debut album.
Halos magkatulakan naman ang mga naki-jamming kagabi sa Malibay Covered Court nang lumabas na si Bugoy Drilon.
Matapos si Bugoy, mas lalo pang pinainit ang gabi sa tugtugan ng Siakol.
Bukod sa libreng concert, nag-enjoy din ang mga manonood sa mga kwelang palaro ng Love Radio at Yes FM. Nabigyan din ang ilang masusuwerteng manonood ng libreng t-shirts mula sa Francis Magalona Clothing Company (FMCC).
Maki-jamming ulit next time kaya antabayanan ang susunod na venue ng “Radyo? Dalawa Lang Yan! The Concert Series”.
Basta radyo? Dalawa lang ‘yan! Kung hindi LOVE, eh ‘di YES! Kung hindi YES, eh di LOVE!
CLICK HERE FOR PHOTOS: “Radyo? Dalawa Lang Yan! The Concert Series”



