Headlines
Pangulong Noynoy Nasa Thailand Na
May 26th, 2011 3:55 pm
DZRH NEWS
Nasa Thailand na si Pangulong Noynoy Aquino para sa dalawang araw na state visit.
Bago umalis sakay ng Philippine Airlines Flight PR730 kaninang alas 10:30 ng umaga, tiniyak ng pangulo na kahit nasa Thailand siya at naka-monitor pa rin siya sa magiging sitwasyon ng bagyong “Chedeng” sa bansa.
Nagbanta rin ang Pangulo sa mga…Read more
Senado Mangingialam Sa Isyu ng Pagkawasak ng Coral Reefs
May 26th, 2011 3:54 pm
DZRH NEWS
Manghihimasok na ang Senado sa pagkawasak ng halos pitong libong hektarya ng coral reefs sa Moro Gulf at Sulu Sea.
Ito’y matapos magharap ng Resolution No. 491 si Senadora Loren Legarda na humihiling sa Senate Committee on Environment and Natural Resources na imbestigahan ang pagkasira ng seabed sa nasabing lugar na doble ang lawak…Read more
DTI Nagsurprise Inspection sa Divisoria
May 25th, 2011 3:59 pm
DZRH NEWS
Nagsagawa ng surprise inspection ang mga tauhan ng Department of Trade and Industry sa mga tindahan ng school supplies sa Divisoria sa Maynila.
Pinangunahan ni Trade and Industry Secretary Gregory Domingo ang pag-iinspeksyon kung tama ba at hindi nagmamalabis sa presyo ng paninda ang mga nagbebenta ng school supplies.
Matapos suyurin isa-isa ang mga tindahan…Read more
PNOY Tuloy Ang State Visit Sa Thailand
May 25th, 2011 3:58 pm
DZRH NEWS
Tuloy ang alis bukas ni Pangulong Noynoy Aquino para sa kanyang state visit sa Thailand.
Ito’y sa harap ng bantang pananalasa ng bagyong Chedeng sa ilang mga lalawigan sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, mahigpit ang direktiba ni Pangulong Aquino sa mga kaukulang ahensiya ng gobyerno na manatiling nakaalerto upang maging mabilis ang tugon…Read more
Cebupax Flights Nakansela Dahil Kay Chedeng
May 25th, 2011 3:57 pm
DZRH NEWS
Kinansela na ng ilang airline company ang kanilang biyahe ngayong Miyerkules kasunod ng pananalasa ng bagyong Chedeng.
Unang nagkansela ng kanilang domestic flight patungong Naga City ang Cebu Pacific.
Alas-dose ng tanghali nang kanselahin ng Cebu Pacific ang Flight 5J 523 na patungo sana ng Naga City dahil sa masamang panahon.
Kanselado rin ang return flight ng…Read more
Residente sa Taguig Inilikas Dahil sa Tubig Baha
May 25th, 2011 3:56 pm
DZRH NEWS
Dahil sa bigla at malakas na buhos ng ulan, ilang residente sa Metro Manila ang kinailangang ilikas makaraan na tumaas ang tubig baha.
Partikular na inilikas ang ilang residente ng Brgy. Lower Bicutan sa Taguig na umabot hanggang tuhod ang tubig baha.
Kagabi naman inilikas rin ang may 30 pamilya mula sa Brgy. Bagumbayan sa Taguig…Read more
Billboards Sa Edsa Pinagbabaklas Na
May 24th, 2011 4:14 pm
DZRH NEWS
Pinagbabaklas na ang mga billboard sa kahabaan ng C-5 Road at EDSA bilang paghahanda sa inaasahang pananalasa ng bagyong Chedeng.
Ito ay upang maiwasan ang mga aksidenteng dulot ng pagbagsak ng billboards gaya ng nangyari noong manalasa ang…Read more
Pre-emptive Evacuation Nakalatag Na sa Bicol Region
May 24th, 2011 4:11 pm
DZRH NEWS
Nakalatag na ang pre-emptive evacuation sa mga residente ng iba’t-ibang lalawigan sa bicol region na siyang unang makakaranas ng hagupit ng bagyong ‘Chedeng’.
Kabilang sa mga areas of concern ang mga bayan ng Pasacao, Polangui, Sipucot, Bumbon, Ragay, Bula, Cabusao, Calabanga at Naga City sa Camarines Sur.
Binabantayan din ang Islang Bato, San…Read more
Malakanyang Pag-aaralan ang Dagdag sa Budget ng DSWD para sa Conditional Cash Transfer Program
May 24th, 2011 4:06 pm
DZRH NEWS
Pag-aaralan pa ni Pangulong Noynoy Aquino ang kahilingan ng Department of Social Welfare and Development na dagdagan ang pondo sa ilalim ng Conditional Cash Transfer Program o CCTP.
Batay sa kahilingan ng DSWD, P2.34 billion ang kakailanganing…Read more
Samar Province Nasa Signal Number 1
May 24th, 2011 4:05 pm
DZRH NEWS
Naka-puwesto na ang Emergency Response Teams sa tatlong lalawigan sa Samar na nasa ilalim ng Signal Number 1.
Sa Eastern Samar, partikular na binabantayan ang sitwasyon sa coastal towns nito na siyang unang makakaranas ng hagupit ng hangin at ulang dala ni ‘Chedeng’
Gayundin, sa Northern Samar na karamihan sa mga baybaying bayan ay…Read more
Celebrity News
Pilar Pilapil stable na; pulisya wala pang solid lead
April 16th, 2011 12:00 pm
Big sponsor di itinuloy ang placement sa Willing Willie
April 6th, 2011 3:35 pm
Sarah Geronimo itinangging insecure kay Angeline Quinto
March 24th, 2011 3:12 pm
Elizabeth Taylor pumanaw sa edad na 78
March 24th, 2011 1:32 pm
Web developer inireklamo ng estafa ni Christine Bersola-Babao
March 22nd, 2011 1:02 pm







