• home
  • FriendsTayo
  • Photos
  • Automatic DJs
  • Programs
  • Music
  • Events
  • News
  • Contact Us
  • Info

‘KKK’ sinisisi ni Mikey Arroyo sa pagbaba ng ratings ni PNoy

June 21, 2011 | Tuesday | 4:51 pm

DZRH NEWS

Umani ng iba’t-ibang reaksyon sa Kamara ang muling pagbagsak ng satisfaction ratings ni Pangulong Noynoy Aquino.

Agad bumanat si Ang Galing Pinoy party list Rep. Juan Miguel ‘Mikey’ Arroyo na ang dahilan ng pagbaba ng ratings ni Pangulong Aquino ay ang kanyang ‘KKK’ o kaibigan, kaklase at kabarilan.

Ayon pa kay Arroyo, anak ni dating Pang. Gloria Macapagal Arroyo, dapat ay maisip ni Pangulong Aquino na wala na siya sa panahon ng kampanya kaya kailangan niyang kumilos upang tugunan ang mga problema ng bansa sa halip na palagiang sisihin ang nagdaang administrasyon.

Binalewala naman ng mga kakampi sa Kamara ang pagbagsak ng satisfaction ratings ng pangulo.

Katuwiran ni Iloilo Rep. Neil Tupaz Jr., maliit na bagay lamang ang limang porsiyentong ibinaba ng ratings ni Pang. Aquino kumpara sa napakaraming problema na kinakaharap ng bansa.

Sa panig ni Bagong Henerasyon party list Rep. Bernadette Herrera-Dy, tataas pa rin ang ratings ng pangulo pagkatapos ng kanyang state of the nation address (SONA) dahil maririnig ng taumbayan ang mga nagawa ng kanyang administrasyon.

You might like:

  • Tax evasion case vs. Mikey, political harassment lang
  • Pagbuo ng “Truth Committee” tanggap ng dating First Family
  • Kaso vs. Mikey Arroyo ibinasura ng SC
  • Mikey at ilang mga kaibigan, puntirya ang party-list seats
  • “Fly-by-night” agencies pinababantayan ni Mikey Arroyo
  • Oil price freeze, posibleng ipatupad
  • Bahay ni Rep. Mikey sa US, naibenta na

Read more news...

FAN OF THE MONTH

read more

WHAT'S NEW

Ms. Philippines – Earth 2012 beauties, rumampa sa YES! FM

Aliwan Fiesta 2012 List of Winners

“PAPA”-kape at pa-”CHICO”-late, mabenta sa drivers

Bevy of beauties for Aliwan Fiesta 2012

The Hunger Games pinalakpakan sa advance screening

Seasports Festival aarangkada na sa Manila Ocean Park

Chico Loco niregaluhan ng doodle shirt, cherry balls at bagulbam

Apl De Ap ng Black Eyed Peas, time-out muna sa pag-kanta

EXCLUSIVE PHOTOS: Mr. & Mrs. A Valentine Concert

Maria Maldita at Chico Loco “kasalo” sa Weddings and Debuts 2012 Bridal Fair

Unang birada ng “Radyo? Dalawa Lang Yan! The Concert Series” dinagsa

PHOTOS: Radio MYX guesting ni Missy Hista at Rico Pañero

Kabisaduhin at sabayan na ang jingle ng 101.1 YES FM

101.1 YES! FM nilibot ang Maynila para mamahagi ng tulong ngayong Pasko

PHOTOS: YES! FM’s 13th anniversary; STL grand draw wtih Bamboo

CURRENT HITS

  Isa Pa Nga
  Mocha Girls
  

  Paano Na Ang Puso Ko
  Bugoy Drilon
  

  Bukas Na Lang Kita Mamahalin
  Faith Cuneta