13 inirekomendang kasuhan sa hostage crisis
September 21, 2010 | Tuesday | 8:42 am
DZRH NEWS
Inirekominda ng Incident Investigation and Review Committee ang paghaharap ng kasong administratibo at kriminal laban sa labing tatlong personalidad dahil sa palpak na paghawak sa naganap na hostage crisis noong August 23 sa Quirino Grandstand.
Kabilang sa pinakakasuhan sina Manila Mayor Alfredo Lim, DILG Undersecretary Rico Puno, dating PNP Chief Jesus Versoza, Ombudsman Merceditas Gutierrez, Manila Vice Mayor Isko Moreno, NCRPO Director Leocadio Santiago, at dating MPD Director Rodolfo Magtibay.
Kasama rin sa pinakakasuhan ng IIRC sina broadcasters Erwin Tulfo, Michael Rogas at Jake Maderazo ng RMN, at ilang reporter ng ABS-CBN, GMA-7 at TV 5.
Sa nasabing hostage crisis, walong dayuhang turista mula sa Hong Kong ang nasawi, kabilang ang hostage taker na si dating Senior Inspector Rolando Mendoza.
Ilang oras bago tumulak patungong Estados Unidos, inihayag ni Pangulong Noynoy Aquino ang nilalaman ng IIRC report na isinumite sa kanya ng probe panel na pinamumunuan ni Department of Justice Secretary Leila De Lima.





