2 sundalo ng Phil. Army, pinaslang sa Batangas
July 21, 2010 | Wednesday | 5:01 pm
DZRH NEWS (JULY 21, 2010)
Patay ang dalawang sundalo ng Phil. Army matapos tambangan sa Calatagan, Batangas kaninang umaga.
Kinilala ang mga napatay na sundalo na sina Pvt. Dennis Fajelga at Pvt. Hinkil Carasco.
Nakatalaga ang dalawa sa 16th Infantry Batallion ng Phil. Army na bahagi ngayon ng Augmentation Force ng 730th Combat Group ng Phil. Air Force sa Batangas.
Sa panayam ng DZRH, sinabi ni Maj. Ronald Alcudia, tagapagsalita ng Phil. Army, na nangyari ang ambush sa palengke ng Brgy. Luksuhin, Calatagan.
Hinala ni Alcudia, mga miyembro ng liquidation team ng New Peoples Army ang nagsagawa ng pananambang.








