5 Teroristang May Ugnayan Kay Bin Laden Nasa Pilipinas
May 13, 2011 | Friday | 4:20 pm
DZRH NEWS
Nasa Pilipinas ang mga dayuhang terorista na konektado kay Osama Bin Laden.
Kinumpirma ni Vice Admiral Alexander Pama, Commander ng Philippine Navy na nagtatago sa Mindanao ang mga kaalyado ng “most wanted terrorist” na napatay ng US Forces sa Pakistan.
Kinilala ang teroristang nasa bansa na sina Zulkipli Bin Hir alyas Marwa, isang US-trained engineer at si Muawiyah, isang Singaporean na nagsisilbi bilang mga consultant ng Abu Sayyaf sa Basilan at Sulu .
Bukod kay Marwa at Mauwiyah, pinaniniwalaan din na nagkukuta rin sa bansa ang mga Indonesian terrorist na sina Saad at Qayyim at ang Malaysian na si Amin Baco na sinasabing mga eksperto sa pag-gawa ng bomba.
Naniniwala ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas na ang mga dayuhang ito ang maaaring sumunod sa yapak ni Osama kaya’t mas pinaigting pa umano nila ang manhunt operation sa Mindanao para sa mabilisang ikadarakip ng mga nasabing terorista.



