6 sasakyan binaklasan ng sirena ng MPD
July 8, 2010 | Thursday | 8:43 am
DZRH NEWS (JULY 8, 2010)
Anim na katao, kabilang ang anak ng dating chief justice, ang binaklasan ng sirena ng mga elemento ng Manila Police District bilang patunay sa seryosong kampanya laban sa “wang-wang.”
Kabilang sa kinumpiskahan ng “wang-wang” ay ang sasakyan nina Rafael Claudio III Tehankee, anak ni dating Chief Justice Claudio Tehankee at Divina Flores, director ng Commission on Elections (Comelec).
Ito ay bahagi ng inilunsad na anti-wangwang operations sa Binondo at Quiapo, Manila.
Karamihan sa sasakyang tinarget ng MPD ay iyong tinatawag na “high-end vehicle” dahil ang mga may-ari nito ang may kakayahan lamang bumili at magkabit ng sirena sa kanilang mga behikulo.







