8 bayan sa Pampanga sasailalim sa ‘state of calamity’
March 6, 2010 | Saturday | 8:20 am
DZRH NEWS (MARCH 6, 2010)
Inaasahang madadagdagan pa ang mga lalawigan na magdedeklara ng state of calamity dahil sa matinding epekto ng tagtuyot.
Kabilang sa mga sasailalim sa kahalintulad na deklarasyon ang walong bayan sa Pampanga.
Ayon kay Rep. Anna York Bondoc ng ika-apat na distrito, napipintong mapinsala ang halos 14,000 ektarya ng palayan sa Pampanga dahil sa kawalan ng irigasyon.
Samantala, anim na bayan sa Negros Occidental ang malamang na ideklara din sa state of calamity dahil sa epekto ng El Niño.
Nabatid na aabot na sa P31-milyon ang halaga ng pinsala na idinulot ng kalamidad sa sektor ng agrikultura sa naturang lalawigan.





