AFP walang panahon sa political propaganda
October 22, 2010 | Friday | 7:30 am
![]() |
![]() |
DZRH NEWS
Nakiusap ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa grupong Solidarity for Sovereignty na huwag nang idamay sa kanilang gimik o propaganda ang mga sundalo.
Ginawa ni AFP Spokesman Brig. Gen. Jose Mabanta ang apela matapos i-anunsyo ng kontrobersyal na anti-Aquino group na sila ay may suporta din mula sa hanay ng militar.
Ayon kay Mabanta, walang panahon ang mga sundalo sa mga kahalintulad na political propaganda, lalo pa’t abala ang mga ito sa rescue, relief at rehabilitation work sa mga napinsala ng Bagyong Juan.





