Allowance, bonus ng GOCC employees suspendido
September 7, 2010 | Tuesday | 7:39 am
DZRH NEWS
Ipapalabas na ngayong linggong ito ng Malacañang ang kautusan na may layuning wakasan ang luho sa mga opisyal ng mga Goverment Owned and Controlled Corporations (GOCCs).
Sinabi ni Budget Secretary Florencio Abad na nakapaloob sa executive order ang dalawang buwan na suspensyon sa allowance at bonus ng mga opisyal at empleyado sa mga GOCCs at government financial institutions (GFIs).
Ipinahayag ng kalihim na ipatutupad ang suspensyon habang pinag-aaralan kung paano itatakda ang limitasyon sa pagkakaloob ng pambihirang biyaya sa mga tinutukoy na tanggapan.
Ginawa ng Malacañang ang hakbang bilang tugon sa resolusyon ng senado na humihiling kay Pangulong Noynoy Aquino na ipagpaliban ang pagtanggap ng allowance at bonus sa mga GOCCs at GFIs.







