Bagong strain ng tigdas, pinagaaralan ng DOH
March 9, 2010 | Tuesday | 8:50 am
DZRH NEWS (MARCH 09, 2010)
Pinag-aaralan ng Department of Health kung ang measles outbreak na nananalasa ngayon sa maraming lugar sa Pilipinas ay sanhi ng bagong strain na nagmula sa ibang bansa.
Ipinahayag ni Dr. Eric Tayag, chief epidemiologist ng DOH, sinusuri na ngayon ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang blood samples ng ilang biktima ng tigdas upang malaman kung anong strain ng measles virus ang dumapo sa kanila.
Inaasahang makapagpapalabas na ng resulta ang RITM sa susunod na linggo.
Sa kasalukuyan, limang katao na ang nasawi sa tigdas sa nakalipas na dalawang buwan at pinangangambahang patuloy pa itong tumaas ngayong panahon ng tag-init.







