Ballot secrecy folder deal whistle-blower, pinagbabantaan
May 6, 2010 | Thursday | 7:25 am
DZRH NEWS (MAY 6, 2010)
Nag-resign na ang opisyal ng Commission on Elections (Comelec) na nagbuking sa ballot secrecy folder scandal.
Ito ay matapos makatanggap ng pagbabanta sa kaniyang buhay si Atty. Melchor Magdamo.
Sinabi ni Magdamo na siya ay nababahala sa kaniyang kaligtasan, lalo pa’t maliliit pa ang kaniyang dalawang anak.
Ang naturang abogado ang nagbunyag na sinuway ni Comelec Executive Director Jose Tolentino ang kautusan ng Comelec en banc na ipagpaliban ang bidding para sa ballot secrecy folder noong 2008.
Bagama’t napagwagihan ng OTC Paper Supply ang tinutukoy na P700-milyong kontrata, ito ay kinansela ng Comelec dahil sa hinala ng overpricing.
Ang naturang whistle-blower ay naka-assign sa opisina mismo ni Comelec Chairman Jose Melo.





