• home
  • FriendsTayo
  • Photos
  • Automatic DJs
  • Programs
  • Music
  • Events
  • News
  • Contact Us
  • Info

Bilang ng mahihirap, tumaas sa termino ni GMA

March 8, 2010 | Monday | 11:24 am

DZRH NEWS (MARCH 8, 2010)

Inamin ng isang economic adviser ni Pangulong Arroyo ang kabiguan ng administrasyon na mapahupa ang talamak na kahirapan sa bansa.

Tahasang sinabi ni Albay Gov. Joey Salceda na bagama’t marami sa mga mayayaman ay lalo pang yumaman, lumawak naman ang hanay ng mga mahihirap simula nang umupo ang pangulo noong 2001.

Sa katunayan, tinukoy ni Salceda ang pag-aaral ng National Statistical Coordination Board tungkol sa dami ng mga naghihirap na Pilipino.

Ayon sa data, mula sa 25.4-milyon noong 2001, lumaki ng hanggang sa 27.6-milyon ang bilang ng mga mahihirap na Pinoy noong 2006.

Bukod rito, dumoble din ang antas nang kagutuman, mula 11.4% noong 2000 ay naging 20.3% noong nakalipas na taon.

Ipinahayag ni Salceda na kung pagbabatayan ang average economic growth ng bansa sa nakalipas na apat na dekada, malamang na abutin pa ng 37 taon bago magkaroon ng improvement ang kabuhayan ng mga mahihirap na Pilipino.

You might like:

  • COA chairman itinanggi ang retirement
  • Halalan sa Pilipinas ininsulto ng Washington Post
  • P8-B ayuda para sa mahihirap kukunin sa NFA fund
  • Sobrang NFA rice ipamamahagi sa mahihirap
  • Presyo ng canned meat, noodles tumaas
  • Bayan Muna Rep. Teddy Casino, duda sa panukalang Conditional Cash Transfer Allowance
  • JBC Giit Ang 7 Year Full Term Para Sa Susunod Na Ombudsman

Read more news...

FAN OF THE MONTH

read more

WHAT'S NEW

101.1 YES! FM nilibot ang Maynila para mamahagi ng tulong ngayong Pasko

PHOTOS: YES! FM’s 13th anniversary; STL grand draw wtih Bamboo

PHOTOS: Radyo? Dalawa Lang Yan! concert sa Valenzuela City

MBC sumipa sa 1-2-3 rating ng radyo

PHOTOS: Radyo? Dalawa Lang Yan! concert sa ParaƱaque City

Radyo? Dalawa Lang Yan! concert sa Tondo, 168 Mall inulan ng tao

Radyo? Dalawa Lang Yan! The Concert Series in 168 Mall

PHOTOS: Ang patok na gig ng YES! FM at Love Radio sa Taguig

Libreng concert sa Taguig, naging patok na gig

PHOTOS: Radyo? Dalawa Lang Yan! Concert sa Pasig

Pasig City, niyanig ng Radyo? Dalawa Lang Yan! Concert Series

PHOTOS: Radyo? Dalawa Lang Yan! The Concert Series sa Quezon City

Bagyong nanalasa sa Quezon City, powerful na powerful!

Call for entries to the MBC National Choral Competition 2011

PHOTOS: Radyo? Dalawa Lang Yan! Concert in Mandaluyong

CURRENT HITS

  Isa Pa Nga
  Mocha Girls
  

  Paano Na Ang Puso Ko
  Bugoy Drilon
  

  Bukas Na Lang Kita Mamahalin
  Faith Cuneta