Bonus ng MWSS board members bubusisiin
July 29, 2010 | Thursday | 7:55 am
DZRH NEWS
Bubusisiin ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System o MWSS ang umano’y naglalakihang bonuses ng mga board member nito.
Ayon kay Macra Cruz, pinuno ng MWSS, magpupulong ang mga opisyal ng MWSS para imbestigahan ang ibinunyag ni Pangulong Noynoy Aquino sa kanyang State of the Nation Address (SONA) noong Lunes.
Ikukumpara sa MWSS bonuses ang natatanggap na bonus ng mga empleyado ng ibang government agencies at government-owned and controlled corporations (GOCCS).
Gayunman, niliwanag ni Cruz na ang bonuses ay hindi anomalya dahil ito ay naaprubahan ng mga kinauukulang opisyal ng pamahalaan.
Sinabi pa ni Cruz na inaayos na din ng MWSS ang pension benefits ng mga retiradong MWSS employees na umaabot sa halagang P600 hanggang P700 milyon.







