Bus marshals ikakalat ng PNP
January 28, 2011 | Friday | 7:18 am
DZRH NEWS
Magpapakalat ng mga bus marshals ang Philippine National Police (PNP) sa Metro Manila.
Nabatid mula kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda na hindi bababa sa 300 uniformed at armed personnel ng PNP ang naatasan sa nabanggit na misyon.
Ang mga naturang pulis ay magsasagawa ng inspeksyon sa mga bus na may biyahe hanggang sa paglabas ng NLEX at SLEX.
Bukod sa mga bus marshals, magde-deploy din ng sapat na bilang ng mga pulis sa MRT at LRT stations upang matiyak ang seguridad ng mga pasahero sa dalawang nabanggit na pasilidad.





