Cha-cha Bill ni GMA di prayoridad sa Kamara
July 6, 2010 | Tuesday | 8:41 am
DZRH NEWS (JULY 6, 2010)
Hindi magiging prayoridad ng susunod na kongreso ang panukalang batas ni dating Pangulong GMA tungkol sa pag-amyenda ng saligang-batas.
Ito ang sinabi ni Quezon City Cong. Feliciano Belmonte Jr., ang inaasahang maluluklok na bagong speaker ng 15th congress.
Ayon kay Belmonte, ang mga kahalintulad na Cha-Cha Bill ay malabong maging prayoridad, dahil maaring lumikha lamang ito nang maagang paksyon sa kamara.
Ipinahayag ng kinatawan na sa halip na charter change, uunahin ng kongreso ang pagtalakay sa mga bill na kasama sa priority measures ng bagong administrasyon.







