Committee chairmanship pinagaawan sa senado
July 31, 2010 | Saturday | 7:55 am
DZRH NEWS
Nabigo si Senate President Juan Ponce Enrile na magawang “happy” ang lahat ng senador na nagluklok sa kanya bilang lider ng senado na gustong makakuha ng committee chairmanship.
Ito ay dahil patuloy ang pag-aagawan ng mga senador sa malalaking komite na maagang inangkin ng mga miyemro ng Liberal Party.
Kabilang sa komiteng pinag-aagawan nina Senator Ralph Recto at Senator Bong Revilla ay ang Public Service habang pinag-aagawan naman nina Senators Loren Legarda at TG Guingona ang Committee on Energy.
Magkatunggali naman sa Blue Ribbon Committee ang dalawang miyembro ng LP na sina Senator Kiko Pangilinan at Guingona.
Inamin ni Enrile na hindi niya magawang happy ang lahat ng mga senador dahil kanya-kanyang angkin ngayon ng komite ang mga kaalyado ni Pangulong Noynoy Aquino at majority bloc nina Senators Manny Villar at Edgardo Angara.




