De Jesus: “Hindi Ako Pinatalsik Ni PNoy”
June 6, 2011 | Monday | 4:57 pm
DZRH NEWS
Mariing itinanggi ni outgoing DOTC Sec. Jose ‘Ping’ de Jesus ang balitang hindi siya nag-resign kundi sinipa sa puwesto ni Pangulong Noynoy Aquino.
Sa panayam ng DZRH, sinabi ni De Jesus na mali ang lumabas na balita at kahit siya anya ay hindi makapaniwala na taga-Malacañang pa ang naglabas ng impormasyong ito.
Dahil dito, umapela si De Jesus sa mga nasa likod ng paninira sa kanya na huwag gumawa ng mga espekulasyon na maaaring maging lamat sa relasyon nila ni Pangulong Aquino.



