DFA nagbabala sa posibleng bomb threat
December 30, 2010 | Thursday | 7:08 am
DZRH NEWS
Pinag-iingat ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga diplomatic missions ng bansa sa abroad laban sa posibleng bomb threats sa kanilang tanggapan.
Inisyu ng DFA ang babala matapos mapaulat ang pagsabog ng bomba sa embahada ng Switzerland at Chile sa Roma noong nakalipas na linggo.
Ayon sa Public Information Service Unit ng DFA, pinapayuhan ang mga embassies at konsulado ng Pilipinas sa iba’t-ibang panig ng mundo na magpatupad ng ibayong pag-iingat, lalo na sa pagtanggap ng koreo.
Samantala, inumpisahan na din ng u.s. embassy sa Maynila ang pagpapalakas ng security procedures upang mapigilan ang mga kahalintulad na pagsabog sa Swiss at Chilean embassies sa Roma kamakailan.





