DTI Nagsurprise Inspection sa Divisoria
May 25, 2011 | Wednesday | 3:59 pm
DZRH NEWS
Nagsagawa ng surprise inspection ang mga tauhan ng Department of Trade and Industry sa mga tindahan ng school supplies sa Divisoria sa Maynila.
Pinangunahan ni Trade and Industry Secretary Gregory Domingo ang pag-iinspeksyon kung tama ba at hindi nagmamalabis sa presyo ng paninda ang mga nagbebenta ng school supplies.
Matapos suyurin isa-isa ang mga tindahan ng school supplies, sinabi ni Domingo na tama lamang ang presyuhan ng paninda batay sa kasalukyang takbo nito sa merkado.
Sinabi pa ni Domingo na patuloy nilang imo-monitor ang presyo ng mga school supplies lalo na bago magpasukan na kadalasang tumataas ang presyo ng mga school supplies.



