• home
  • FriendsTayo
  • Photos
  • Automatic DJs
  • Programs
  • Music
  • Events
  • News
  • Contact Us
  • Info

EO sa pagbuo ng Truth Commission pirmado na ni PNoy

July 31, 2010 | Saturday | 7:22 am

DZRH NEWS

Maaari nang simulan ng Truth Commission ang pagta-trabaho para imbestigahan ang mga anomalyang kinasasangkutan ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at kanyang mga opisyales.

Ito ay makaraang lagdaan ni Pangulong Noynoy Aquino ang Executive Order No. 1 para sa pagbuo ng “Philippine Truth Commission of 2010″ alinsunod sa kanyang pangako na gagawin sa unang 100 araw ng kanyang panunungkulan.

Pormal ding itinalaga ni PNoy si dating SC Chief Justice Hilario Davide Jr. bilang chairman ng Truth Commission.

Una sa trabaho ng komisyon ay tukuyin at imbestigahan ang mga alegasyon ng katiwalian na kinasasangkutan ng Arroyo administration at mga opisyales nito.

Apat pang miyembro ng komisyon ang itatalaga, kabilang dito si retired SC Justice Romeo Calleja.

May kapangyarihan ang Truth Commission na magpalabas ng subpoena ngunit wala itong contempt powers at hanggang recommendatory lamang ito at dadaan pa rin sa Office of the Ombudsman.

Binigyan ng Palasyo ang komisyon hanggang December 31, 2012 para tapusin ang kanilang trabaho.

You might like:

  • Lagman binanatan ang pagbuo ng Truth Commission
  • Pagbuo ng “Truth Committee” tanggap ng dating First Family
  • Truth critics pinayuhang sa SC magreklamo
  • PNoy, nanindigan na si Davide ang karapatdapat sa Truth Commission
  • Pagkakatatag ng Truth Commission minaliit
  • Budget ng Truth Commission mungkahing ilipat sa DOJ, PCGG
  • Truth Commission ililipat sa PCGG

Read more news...

FAN OF THE MONTH

read more

WHAT'S NEW

101.1 YES! FM nilibot ang Maynila para mamahagi ng tulong ngayong Pasko

PHOTOS: YES! FM’s 13th anniversary; STL grand draw wtih Bamboo

PHOTOS: Radyo? Dalawa Lang Yan! concert sa Valenzuela City

MBC sumipa sa 1-2-3 rating ng radyo

PHOTOS: Radyo? Dalawa Lang Yan! concert sa ParaƱaque City

Radyo? Dalawa Lang Yan! concert sa Tondo, 168 Mall inulan ng tao

Radyo? Dalawa Lang Yan! The Concert Series in 168 Mall

PHOTOS: Ang patok na gig ng YES! FM at Love Radio sa Taguig

Libreng concert sa Taguig, naging patok na gig

PHOTOS: Radyo? Dalawa Lang Yan! Concert sa Pasig

Pasig City, niyanig ng Radyo? Dalawa Lang Yan! Concert Series

PHOTOS: Radyo? Dalawa Lang Yan! The Concert Series sa Quezon City

Bagyong nanalasa sa Quezon City, powerful na powerful!

Call for entries to the MBC National Choral Competition 2011

PHOTOS: Radyo? Dalawa Lang Yan! Concert in Mandaluyong

CURRENT HITS

  Isa Pa Nga
  Mocha Girls
  

  Paano Na Ang Puso Ko
  Bugoy Drilon
  

  Bukas Na Lang Kita Mamahalin
  Faith Cuneta