FG Mike Arroyo lalabas na ng ospital
June 22, 2010 | Tuesday | 7:46 am
DZRH NEWS (JUNE 22, 2010)
Posibleng makalabas na ng St. Lukes Medical Center si First Gentleman Mike Arroyo bago ang kanyang ika-64 na kaarawan sa June 27.
Ayon kay Dr. Juliet Cervantes, attending physician ni Atty. Mike, nakakagulat ang bilis ng paggaling ng first gentleman.
Sa katunayan, sinabi ni Cervantes na nakakaupo at nakakalakad na ito apat na oras matapos ang maselang operasyon sa kanyang likod.
Umaasa si FG na makalalabas na siya ng ospital bago sumapit ang kanyang kaarawan sa linggo upang sa kanilang bahay na niya ito ipagdiwang.
Ipinahayag ni Dr. Cervantes na nakatulong ng husto ang psychological counseling na dinaanan ng unang ginoo kaya naging positibo ang pananaw nito bago magpa-opera.







