Heherson Alvarez ipapatawag ng senado
July 23, 2010 | Friday | 7:33 am
DZRH NEWS
Ipapatawag ng senado ang vice chairman ng Climate Change Commission na si dating SenadorHeherson Alvarez.
Layunin ng hakbang na maipaliwanag ni Alvarez kung paano ginamit ang pondo na inutang ng bansa para sa mga programa sa climate change.
Bukod rito, nais ding malaman ni Senador Juan Ponce Enrile ang limitasyon ng kapangyarihan ng dating senador bilang vice chairman ng Climate Change Commission.
Ayon sa beteranong mambabatas, nakatanggap siya ng impormasyon na nagpapatupad si Alvarez ng mga desisyon at istratehiya na hindi kinu-konsulta sa mga line agencies ng naturang komisyon.







