Kaso vs sex ed program ng DepEd ibinasura
July 30, 2010 | Friday | 6:33 am
DZRH NEWS
Ibinasura ng hukuman sa Quezon City ang civil case laban sa kontrobersyal na sex education program ng Department of Education (DepEd).
Ginawa ni Judge Rosanna Fe Romero -Maglaya ang desisyon matapos bawiin ng petitioner ang naturang reklamo.
Ayon sa hukom, dahil nagpahayag na ng kawalan ng interes ang magkabilang panig, wala na ding dahilan upang ipursigi pa ang civil case laban sa sex education program.
Kasabay nito, dinismis din ng korte ang reklamo laban kina dating DepEd Secretary Mona Valisno at Undersecretaty Ramon Bacani.







