KMU Isusulong Ang P125 Across-The-Board Wage Hike
May 12, 2011 | Thursday | 4:01 pm
DZRH NEWS
Isusulong pa rin ng Kilusang Mayo Uno ang P125 across-the-board wage hike.
Ayon kay KMU Secretary-General Roger Soluta, hindi makatutulong ang COLA sa mga manggagawa para makatugon sa mataas na gastusin sa araw-araw.
Giit ni Soluta, kahit tatanggap ng dagdag na P22.00 na cost of living allowance ang mga minimum wage earner sa Metro Manila, wala umano itong maitutulong sa sweldo ng mga mangagawa.
Naniniwala rin si Soluta na hindi umento sa sahod ang pangunahing problema kung bakit nagsasara ang mga negosyo dahil may mas malaking gastusin ang mga negosyante tulad ng mataas na bayarin sa kuryente.



