LPGMA May Rollback Mamayang Hatinggabi
May 26, 2011 | Thursday | 3:57 pm
DZRH NEWS
Sa ikatlong pagkakataon ngayong buwan, magpapatupad mamayang hating gabi ng 50 sentimos na rollback sa presyo ng liquified petroleum gas o LPG ang LPG Marketers Association.
Ayon kay LPGMA Partylist Representative Arnel Ty na simula mamayang hatinggabi, magtatapyas sila ng P0.50 kada kilo ng LPG o P5.50 sa kada 11 kilogram na tangke.
Ito na ang ikatlong pagtapyas ng presyo ng LPGMA sa kanilang produkto ngayong buwan.
Kaninang alas 6:00 ng umaga, nagpatupad naman ng pisong rollback kada kilo ng LPG ang Petron.



