Malakanang: Hintayin Nalang Ang Pormal Na Pagpapahayag ng Mga Bagong Miyembro ng Gabinete
May 11, 2011 | Wednesday | 4:15 pm
DZRH NEWS
Umapela ang Malakanyang na hintayin na lamang ang pormal na paghahayag ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino kung sino-sino ang maitatalaga sa kanyang gabinete.
Ayon kay Sec. Ricky Carandang ng Communications Group, tanging si Pangulong Aquino ang nakakaalam ng mga karapat-dapat sa kanyang appointment.
Matatandaan sa pagtatapos ngayon ng one year election ban, maraming lumulutang na pangalan ng mga talunang senatorial candidates ng Liberal Party ang umano’y itatalaga sa ilang posisyon sa gobyerno.
Kabilang na rito ang napapaulat na umano’y appointment ni Dating Senator Mar Roxas bilang chief of staff ni Pangulong Aquino.



