Malakanyang Pag-aaralan ang Dagdag sa Budget ng DSWD para sa Conditional Cash Transfer Program
May 24, 2011 | Tuesday | 4:06 pm
DZRH NEWS
Pag-aaralan pa ni Pangulong Noynoy Aquino ang kahilingan ng Department of Social Welfare and Development na dagdagan ang pondo sa ilalim ng Conditional Cash Transfer Program o CCTP.
Batay sa kahilingan ng DSWD, P2.34 billion ang kakailanganing pondo para makumpleto ang programa ngayong taon.
Target nito na matulungan umano ang 2.34 million na mahihirap na pamilya sa buong bansa.
Ayon kay Budget Sec. Butch Abad, posibleng kailanganin ang dagdag na pondo sa huling bahagi ng taon.
Pero dadaan sa masusing review ng pangulo ang kahilingan na madagdagan ang bilyones na pondo ng DSWD para sa CCTP.
Matatandaan, pinagdududahan ang DSWD kung tunay na napupunta sa mga mahihirap na pamilya ang bilyong pisong pondo na inilaan para sa naturang programa.



