MMDA Info Campaign Sa Smoking Ban Simula Ngayong Araw
May 30, 2011 | Monday | 4:21 pm
DZRH NEWS
Isang buwang ipapatupad ng Metro Manila Development Authority ang information campaign simula ngayong araw sa pagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.
Sa panayam ng DZRH, sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino, dimuna nila ti-ticketan kundi wa-warningan lamang ang mga taong mahuhuling maninigarilyo sa mga pampublikong lugar simula ngayong araw.
Kabilang sa mga lugar kung saan mahigpit na ipagbabawal ang paninigarilyo ay sa mga pampublikong sasakyan gaya ng tricycle, jeepney at bus; kalsada at mga terminal ng mga pampublikong sasakyan, eskuwelahan, ospital, mga bars at restaurant na kinakailangang may mga designated na smoking area, kung saan lang maaring manigarilyo.



