Morong 43 nag-hunger strike
December 4, 2010 | Saturday | 9:07 am
![]() |
![]() |
![]() |
DZRH NEWS
Nagsagawa ng hunger strike ang tinaguriang Morong 43 bilang protesta sa patuloy na pagkaka-detain nila sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.
Sa kanyang press statement, sinabi ng grupo na ang hunger strike lamang ang nalalabing paraan upang wakasan ang patuloy na pagdurusa nila sa piitan dahil hanggang ngayon ay walang malinaw na aksiyon ang pamahalaan sa kanilang kaso.
Nabatid na sa December 6 ang ika-10 buwan ng Morong 43 sa piitan matapos silang arestuhin noong February 6 ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines batay sa depektibong warrant of arrest.
Dedma naman ang militar sa isinagawang hunger strike ng Morong 43.
Giit ni Brig. Gen. Jose Mabanta, spokesman ng AFP, kahit ano pang gawin ng Morong 43 ay hindi mababago ang katotohanan na sila ay lehitimong miyembro ng NPA na pilit nagkukubli bilang mga health workers.








