Morong 43, nananatili sa kulungan
March 11, 2010 | Thursday | 10:13 am
DZRH NEWS (MARCH 11, 2010)
Pinagtibay ng Court of Appeals ang pagkakaaresto at pagka-kakulong sa tinaguriang Morong 43.
Sa 20-pahinang desisyon na sinulat ni Associate Justice Portia Alino-Hormachuelos, ibinasura nito ang petition for habeas corpus ng Morong 43 kaya mananatili sila sa kulungan.
Nakasaad pa sa desisyon na ipinauubaya na ng CA sa Morong RTC ang pagbatid sa legalidad ng pag-aresto sa 43 health workers at pagde-desisyon kung ililipat sila sa detention cell ng Camp Crame.
Inaresto ng PNP at AFP ang 43 health workers noong Pebrero 6, 2010 matapos silang akusahang miyembro ng New People’s Army at sumasailalim sa training para sa paggawa ng bomba.








