OSG Mag-aapela Ng Tatlong “Pinag-isang” Apela sa Sandiganbayan Ukol sa Garcia Plea Bargain Deal
May 11, 2011 | Wednesday | 4:19 pm
DZRH NEWS
Tatlong ‘pinag-isang’ apela ang ihahain ng Office of the Solicitor General sa Sandiganbayan para harangin ang pag-apruba sa Garcia plea bargain deal.
Sinabi ni Solicitor General Anselmo Cadiz, gagamitin muna nila ang lahat ng legal na remedyo sa Sandiganbayan para kwestyunin ang pagpayag nito sa ‘aregluhan’.
Matapos nito, saka lang i-aakyat ng OSG sa Korte Suprema ang motion for reconsideration.
Naniniwala si Cadiz na kung hindi ito gagawin ay malamang na mabasura lang ang kanilang petisyon.
Inihayag ni Cadiz na kabilang sa kanilang kukuwestyunin ang pag-apruba ng Sandiganbayan sa Garcia plea deal, ang pagbasura sa Motion to Intervene ng Office of the Solicitor General at pagbasura sa Motion for Inhibition kay Sandiganbayan Presiding Justice Edilberto Sandoval.
Inaprubahan ng Sandiganbayan ang plea bargain agreement kung saan isasauli ni Garcia sa gobyerno ang P135 milyon sa kayamanan nito na hinihinalang galing sa katiwalian.



