Pag-convene ng NSC, ikinokonsidera ng Malacañang
June 21, 2011 | Tuesday | 4:30 pm
DZRH NEWS
Ikinokonsidera ngayon ng Malacañang ang pag-convene sa National Security Council para pag-usapan ang umiinit na sitwasyon sa Spratly Islands.
Sagot ito ng Malacañang sa panukala ni Senate President Juan Ponce-Enrile magpatawag ng National Security Council meeting sa gitna ng namumuong tensyon sa pagitan ng Pilipinas at Tsina.
Ayon kay Presidential Communications Group Secretary Ricky Carandang, kinokonsidera ng palasyo ang mga pananaw ni Enrile na nagsilbi bilang dating defense minister at kanila umano itong pinag-aaralan.
Inihayag ni Carandang na hahayaan nilang mag-desisyon ang security cluster kung dapat na mag-pulong ang NSC kung saan imbitado ang mga naging pangulo ng bansa.



