PAGASA Nakabantay sa Namumuong Sama ng Panahon
May 10, 2011 | Tuesday | 4:07 pm
DZRH NEWS
Isang namumuong sama ng panahon ang binabantayan ngayon ng PAGASA na maaring pumasok sa bansa sa araw ng Huwebes.
Ayon sa PAGASA, posibleng maging bagyo ang sama ng panahon pero malayo pa ito sa kalupaang sakop ng Philippine Area of Responsibility.
Sakaling maging ganap na bagyo habang nasa Philioppine Area of Responsibility, tatawagin itong ‘Chedeng’, ang ikatlong bagyong tatama sa bansa.
Pero paglilinaw ng PAGASA, wala pang dapat ikabahala ang publiko sa bagong sama ng panahon dahil nasa karagatang Pasipiko pa ang low pressure area.



