PNOY Tuloy Ang State Visit Sa Thailand
May 25, 2011 | Wednesday | 3:58 pm
DZRH NEWS
Tuloy ang alis bukas ni Pangulong Noynoy Aquino para sa kanyang state visit sa Thailand.
Ito’y sa harap ng bantang pananalasa ng bagyong Chedeng sa ilang mga lalawigan sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, mahigpit ang direktiba ni Pangulong Aquino sa mga kaukulang ahensiya ng gobyerno na manatiling nakaalerto upang maging mabilis ang tugon sa mga maaapektuhan ng bagyo.
Sinabi ni Lacierda na walang plano si Pangulong Aquino na ipatawag ang mga opisyal ng NDRRMC, PAGASA at iba pang mga ahensiya para sa mga last minute instruction bago umalis ng bansa bukas.
Ngayong Miyerkules, bukod sa staff meeting, walang ibang schedule si Pang. Aquino kundi ang i-monitor ang galaw ng bagyong Chedeng.



