Pre-emptive Evacuation Nakalatag Na sa Bicol Region
May 24, 2011 | Tuesday | 4:11 pm
DZRH NEWS
Nakalatag na ang pre-emptive evacuation sa mga residente ng iba’t-ibang lalawigan sa bicol region na siyang unang makakaranas ng hagupit ng bagyong ‘Chedeng’.
Kabilang sa mga areas of concern ang mga bayan ng Pasacao, Polangui, Sipucot, Bumbon, Ragay, Bula, Cabusao, Calabanga at Naga City sa Camarines Sur.
Binabantayan din ang Islang Bato, San Miguel, Pandan, Panganiban, Bagamanok, Caramoran at Gugmoto sa Catanduanes.
Areas of concern din ang bayan ng Juban, Irosin, Bulan at Magallanes sa Sorsogon gayundin ang Camalig, Daraga, Libod, Oas at Polanggui sa lalawigan ng Albay.
Ayon kay Albay Gov. Joey Salceda, tinatayang 43,000 residente ng Albay ang kailangang ilikas sa mga susunod na oras sakalit tumaas ang tubig sa mga ilog na siyang dadaluyan ng ulan na dala ng bagyo.
Sa Camarines Sur, mahigpit ang babala sa mga residente na mag-antabay sa mga warning signs gamit ang mga kampana ng simbahan para sa evacuation ng mga residente.
Ngayong gabi inaasahang mararamdaman ang hangin at ulang dala ng bagyong Chedeng sa Bicol Region.



