Puno handang managot para kay PNoy
September 7, 2010 | Tuesday | 7:44 am
DZRH NEWS
Tiniyak ni DILG Undersecretary Rico Puno ang buong suporta kay Pangulong Noynoy Aquino sa harap ng maagang kontrobersiya sa administrasyon dahil sa madugong hostage taking.
Binigyang-diin ng opisyal na handa niyang akuin ang pananagutan sa nabanggit na kapalpakan, mailusot lamang sa iskandalo ang Pangulong Aquino.
Sinabi ni Usec Puno na matagal na silang magkaibigan ng presidente at walang dahilan upang siya ay kumalas, lalo na sa mga kahalintulad na pagsubok.
Lumutang ang pangalan ng naturang opisyal matapos matuklasan na siya ang in-charge, at hindi si DILG Secretary Jesse Robredo sa police operation sa naganap na hostage crisis.
Napag-alaman na matagal nang malapit sa pamilya Aquino si Puno, na ang ina ay mula din sa lalawigan ng Tarlac.







