Reyes mananatiling maginoong opisyal – Lomibao
February 9, 2011 | Wednesday | 9:07 am
DZRH NEWS
“Na-shock” ang mga kaibigan at naging ka-trabaho ni dating AFP Chief Angelo Reyes sa kanyang hindi inaasahang pagpanaw.
Kabilang sa mga hindi makapaniwala si dating PNP Chief Ret. Gen. Arturo Lomibao, na nagsabi na mananatili bilang maginoong opisyal si Reyes sa kabila ng mga pinagdaanang hamon sa buhay.
Kilala sa tawag na “Angie” , si Reyes ay isinilang noong March 17, 1945 sa San Miguel, Manila.
Nagtapos bilang valedictorian sa Cubao High School noong 1960, pumasok ang dating AFP chief sa PMA noong 1962 at natapos bilang isa sa top 10 graduates ng kaniyang klase noong 1966.
Nag-umpisa si Reyes ng career sa AFP bilang team leader ng Army Special Forces sa Mindanao at kumuha ng masters degree sa Business Administration sa Asian Institute noong 1973 at Master of Public Administration sa Harvard’s John F. Kennedy School of government noong 1991.
Bukod sa maraming parangal at decorations sa kaniyang makulay na career sa militar, kilala din si Reyes bilang civic leader.





