SK bus blast, iilan pa lang ang nakikilala
October 21, 2010 | Thursday | 5:57 pm
DZRH NEWS
Ilan pa lang sa mga biktima ng pagsabog ng bomba sa bus ang nakilala ng mga awtoridad.
Batay sa listahan ng North Cotabato police, tanging ang conductor pa lang ng bus na si Brian Galagas ang nakilalang isa sa mga namatay.
Samantala, sa listahan naman ng mga sugatan, kinilala ang mga isinugod sa North Cotabato Provincial Hospital na sina Guinaid Isadam ng President Quirino, Sultan Kudarat; Abson Camino, ng Pikit, North Cotabato, at Noraida Daud, ng Pikit, North Cotabato.
Ang iba pang isinugod sa pagamutan ay kinilalang sina Norlila Aquinod, 20; Julius Pasigua; Lita Manzano, 57; Jovencio Estrada, 37; Rosel Fajardo, 26; Florly Pecion; Alex Mosquera at Christian Alabado, 19.
Bumibiyahe ang Rural Transit Bus patungo sa Tacurong, Sultan Kudarat mula sa Cagayan De Oro city nang mangyari ang malakas na pagsabog sa likurang bahagi ng bus dakong alas 10:30 kanina.



