SC justices aalis ng bansa
July 9, 2010 | Friday | 6:37 am
DZRH NEWS (JULY 9, 2010)
Nanganganib na maapektuhan ang trabaho ng Korte Suprema ngayong buwan dahil sa biyahe sa abroad ng karamihan sa mga mahistrado.
Napag-alaman na pito sa 14 na incumbent justices ang nakatakdang bumiyahe sa labas ng bansa sa magkakahiwalay na petsa ngayong Hulyo.
Kabilang sa mga mahistrado na umalis noong nakalipas na linggo ay sina Associate Justices Lucas Bersamin, Teresita Leonardo-de Castro, Diosdado Peralta at Presbitero Velasco jr.
Ayon sa impormasyon, ang naturang biyahe ay para sa tinatawag na “knowledge sharing at exchange visit” sa Korte Suprema ng Spain at Netherlands.
Samantala, sa July 17 naman ang alis nina Associate Justices Mariano del Castillo at Jose Perez sa Jakarta , Indonesia upang dumalo sa 7th Congress ng Asian Constitutional Court of Judges.
Dahil sa pangyayari, malamang na maisantabi ang isa sa regular na en banc session ng Korte Suprema ngayong buwan sanhi ng kawalan ng tinatawag na quorum.







